- Mood:
Grumpy - Listening to: I'm Yours
- Drinking: ICE T = ICE TUBIG
Papunta nako para sunduin ang aking mahal sa opisina kung saan sya ngttrabaho... nakasakay ako sa jeep n proj6.. pagdating sa delta habang nakaupo ako sa jip napalingon ako sa labas dahil may nagkagitgitan na L300 at taxi... bumaba yung taxi driver na matanda.. napansin ko agad yung taxi driver dahil kahawig nya yung tito ko.. lahat ng pasahero ng jeep n nasakyan ko nakatingin.. makikipagusap plng yung taxi driver ng biglang lumabas yung isang lalake n pasahero ng L300 sabay sigaw agad "ANOO?!!!!!!!! ANOO?!!!!" mayabang sya dahil matanda n yung taxi driver n makikipagusap lng sana.. biglang hinablot ni Mayabang(nasa edad 30-40 na lalake) n pasahero yung tshirt ni taxidriver at napunit yung damit nung matanda.. di pa nakuntento sumigaw ulit "ANO?!!!!!" ANO?!!!" habang nakaambang manununtok pa.. nagaalinlangan pa lumaban yung taxi driver.. nakakaawa tlga yung matandang taxidriver dahil sirang sira n yung damit nya at nakahubad na sya sa gitna ng kalsada habang nagkakatrapik na.. lalaban na sana yung taxi driver ng biglang lumabas yung driver ng L300 at parang tutulungan p nya yung mayabang n pasahero ng L300 sa paninindak sa kawawang matandang taxidriver.. napaatras ang matandang payat na taxi driver na wala ng suot n tshirt at tabingi n ang suot n salamin..madami ng tao sa palagid ang nakapansin at sa wakas may mabuting loob n manong n nagtangkang umawat sa gulo.. habang umaatras na ang matandang taxi driver at pilit paring naninindak ang mayabang n pasahero ng L300 ay humaharang na yung tagaawat n lalake(maitim, tamang tangkad, at may katawan n parang boksingero).. sumakay n ulit ang driver ng L300 habang patuloy sa pagsigaw at paninindak ang mayabang n pasahero.. pati si TAGA-AWAT inaway ng mayabang pasahero.. mayabang k n nga at pinatulan mo n yung matandang nakasalaming payat n taxidriver pati ba nmn si TAGA-AWAT hahamunin mo? matapang si TAGA-AWAT at lumaban narin sa MAYABANG n pasahero ng L300 dahil pati sya inaway.. nagkaron ng lakas ng loob ang MATANDANG Taxi Driver dahil may tumulong n sa kanya.. dalawa na sila ni TAGA-AWAT na lalaban kay MAYABANG na pasahero habang nanonood nlng sa loob ng van ang driver ng L300.. papalayo na ang jeep na sinasakyan ko ay lumiliit na sila sa paningin ko.. hanggang sa hindi ko na makita.. sino na nagwagi? ngkatrapik na.. pagdating ng jeep na sinasakyan ko sa Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) sa quezon ave. nakakita kami ng dalawang pulis at agad naming sinabing ngkakagulo sa di kalayuan.. tanong agad si pulis 1"saan??" sabay turo naman kami.. pagandar ng jeep n sinasakyan nmin aba? ambagal ng lakad ng pulis? ayaw mapawisan? maaaninagan pa sa di kalayuan ang gulong ngyayari sa DELTA pero parang walang pakialam ang dalawang pulis dahil ayaw nilang pagpawisan.. papalayo na muli ang jeep na sinasakyan ko.. diko n tlga makita kung ano pa ang sumonod n ngyayari..
ano n ang ngyari sa Matandang Nakasalaming nahubarang payat n TAXI-Driver??
MAYABANG tlga ang pasaherong MAYABANG.. kung hindi lang ako nakaupo sa loob ng jeep tinusok ko n ng dala kong payong ang mga mata mo.. hindi mo ba nakikitang matanda na yung TAXI DRIVER? o malakas lng ang loob mo dahil matanda n sya at payat?
salamat sa TAGA-AWAT.. mayron parin palang nabubuhay n taong handang tumulong at umawat sa mga gulo.. isa k ng TAGA-PAGTANGGOL dahil hindi ka lang umawat.. tinulungan mo narin ang nakakaawang matanda.. salamat sa iyo at nakakita parin ako ng matinong tao..
kitang kita ko ang mga pulis kung tawagin natin pero malalanding pulis sila na ayaw mapawisan kya nglakad nlng sila sa gitna ng kaguluhan sa DELTA..
Gusto ko tulungan ang taxi driver... pero diko nagawa...
maraming salamat sa TAGA-AWAT... na naging TAGAPAGTANGGOL..
sa mga katulad ng MAYABANG n pasahero.. hindi nba gumagana konsensya nyo? ang sarap nyong pakainin ng lupa... maagnas na kayo...
Devious Comments
At sa panahon ngayon hindi na din talaga dapat umasa sa mga pulis!
Dahil talo ng mayabang ang pulis!
Ang mayabang kalimitan may kaya!
Ang pulis na babayaran ng may kaya
Ang kawawa ang matandang payat na driver na walang pera
Pero astig din na may concern ka men sa kapwa!
--
Reality has Exiled me. I am no longer bound by its Laws..........
Saludo ako sa nagtanggol! Sana lang mas madami pang tulad nya. Sana kinuyog yun L3.
--
Art, like morality, consists of drawing the line somewhere. -G. K. Chesterton
---------------------------------------------------
check my brother's gallery [link]
and my religious gallery [link]
Hehehe! joke!
Malamang un, na-ticketan pa ung taxi driver na nakahubad at siyempre, magbibigay siya ng pang-kape sa mga pulis para hindi makuha ang lisensya.
...ay mali! MMDA pala ung nangunguha ng lisensya. haha~
--
"Are you pondering what I'm pondering?"
--Brain, Pinky and the Brain
--
I used to be skeptical but now I understand.. you are a masterpiece.. an epitome of art.. one wish now to the heavens that we'll never be apart..
"Love and Devotion"
by Valley of Chrome
--
I used to be skeptical but now I understand.. you are a masterpiece.. an epitome of art.. one wish now to the heavens that we'll never be apart..
"Love and Devotion"
by Valley of Chrome
--
I used to be skeptical but now I understand.. you are a masterpiece.. an epitome of art.. one wish now to the heavens that we'll never be apart..
"Love and Devotion"
by Valley of Chrome
Uhh, dameng ganyan, pero pag pinalagan mo naman aatras. All bark and no bite. -sigh- Anu na ngyayare sa pinas
--
Do you know me? You don't? Well same here. I don't know you either. XD
All discrepancies in my grammar are meant o_o;;
Check out my writing. Comments please?
ganyan pala jan, kasi dito sa iligan pag me nagkagulo. resbak agad mga pulis dito, parang gstong gusto nilang mag pawis..hehe pang work out kasi nila ang mangbogbog ng mga mayayabang na tao. hehe
--
feel. we. the progress.
--
A great pleasure in life is doing what people say you
cannot do.
-Walter Bagehot
Previous Page12Next Page